Tuesday, March 20, 2018

Only For Joy

Pure and yearning for relevance
Help me overcome this distance
Offer me something I know is constant
Enlighten this room don't leave it vacant
Bring some light and brilliance
In time for this very rare chance
Excited and thrilled to be your last dance

Amidst all these, hear me say
Remember you're my answered prayer
If only I could walk on air
Narrate how we've become a pair
Glowing every second because you care
Obviously for you,now give me that stare

Wednesday, February 1, 2017

Wala Na

Kamusta ka na?
'Di ko alam sinong may pakana
Wala talagang nag-akala
Sa ganitong paraan ka pa mawawala

Sana pinakinggan kita
Ako lang ang lagi mong nakikita
Sa'yong mga mata lagi ako ang bida
Bakit nga ba sa'yo ay naging kontrabida

'Di ko pinansin mga sinasabi mo
Alam ko kaseng ako lang mahal mo
Sana dati mas naiparamdam ko
Pagmamahal ko na 'di mo sinuko

Bakit ngayon kung kailan wala ka na
Pilit kong ibinabalik na sana...
Naramdam mo lahat ng ito dati pa
Pasensiya na ako na ang may sala Pa

Masakit isipin
Pero mas mahirap tanggapin
Patawad na kahit kailan ay 'di ko na maririnig
Kausapin mo ko handa na kong makinig

Tuesday, November 24, 2015

Bukas Na Sulat

      Hi, gising ka pa ba? Siguro oo, dahil 'di ka makatulog sa ginawa mo. Kahit nga ako 'di makapaniwala magagawa mo 'yun sa akin. Ewan ko ba sa'yo saan nanggaling 'yun? Nung isang araw lang, lahat maayos. Binigyan mo tayo ng theme song, namimiss mo ko, kinakamusta mo ko, tinatanong mo sino mga kasama ko, kinuwento mo sikreto ng buhay mo, pinakinggan mo pati kuwento ng buhay ko, tinanggap mo sitwasyon ko at magkasama tayo umiinom at nangarap. 

     Bakit biglang nagbago? Isang iglap lahat naglaho. Saan ba nagmula lahat? Tila naiba ang ihip ng hangin. Takot ka lang ba? Mahal mo ko, naramdaman ko 'yun. Pero may nangyari na 'di ko alam. Pangyayaring nagbago sa sitwasyon natin ngayon. Sana nakinig ka sa puso mo at hindi sa sinabi ng iba sa'yo. Ayoko sisihin ka pa, desisyon mo 'yan pero sana naging dahan-dahan. Masakit kaya. Sapul hanggang kailalim-laliman ng puso ko. 'Di ko maintindihan, gusto ko intindihin, pero masakit lalo na alam kong minahal mo rin ako. 'Di naman ako gago, malakas pakiramdam ko. 'Di ako bulag at 'di rin ako manhid, kitang-kita ko kung paano mo ko minahal ng 'di ko napapansin. Mali ka dun, simula pa lang alam kong meron na tayong pinagkakaintindihan. Pinakita mo sa mata mo, pinaalam mo sa utak mo at pinaramdam mo sa lahat ng kilos mo. Sayang at sa ganito lang napunta. 

      Unang bulaklak na natanggap mo sa akin galing, 'di ko alam na hanggang dalawa lang pala aabot. Sana naging patas ka lang, sabihin kung ano ang puno't dulo ng sakit na binigay mo sa akin. Grabe ka naman, sana lang masaya ka na kung totoo man ang sinasabi mo sa akin. Huwag mo sanang lokohin sarili mo. Sana natuto kang lumaban habang bata para alam mong ang pagmamahal na totoo dapat ipinaglalaban 'yan lalo na at karapatdapat. Salamat na rin pero 'di ako magiging kumpleto, sabihin mo kasi ang tunay na dahilan. 'Di pa ko nagkamali, mahal mo ko at 'di mo kayang itago 'yan. Sige na tulog na, masakit na. Salamat.

Nagmamahal,
Taong Tinapon Mo

Monday, November 23, 2015

Gift of Love and Writing

     It's funny how people can take you for granted, leave everything hanging in the balance. Sometimes you choose to stay, others don't, they run so not to get hurt again. I've chosen to stay, but staying will not prove anything. You don't get things working by just staying. It always takes two to tango, hear me out. 

    Given all these, letting go will never be an option. Love dictates my life. It completes my being and makes me continue what I've already started. Funny how but I'm crossing my fingers, hoping that one day, I can once again show the world that I can love again. Fear not, I am, but your love keeps me alive. God is good, always, yes he is. I'm leaving everthing to him from now on. Thank you for the gift of writing, love is my gift and I will continue to write for the sake of loving.

Tuesday, November 17, 2015

Heaven-nes

Night and day
Eagerly I pray
Someone as special as you

Simply would color my hue
Amidst my solitude
Love has come
Longing for another chance
Impelled me with conviction
Enliven my soul & welcome me in

Share your love my queen
I deserve this perfect scene
Remove everything that you've seen
Undo it and color it green
Now read this between the lines
Open your eyes & you'll understand why

Sunday, August 14, 2011

Chinitang Anghel

Pagbukas ko pa lang ng laptop

Facebook kaagad ang katapat

Kahit pinuyat pa kagabi ng alitaptap

Maski agahan ko ay otap

Masilayan ka lang siguradong I’m on the top


Ewan ko pero yang singkit mong mata

Kahit trenta na, feeling ko’y binata

Lahat gagawan ko ng panata

No to pata, yes to lata, oo ako’y isang makata

Ano gusto mo na ba ng bata?


‘Di ko naman gustong lumapit

Alam mo namang torpe at pilipit

Dilang kong marami ng inipit

Kahit pa sabi nila ako’y malupit

Sa’yo tila ako’y namimilipit


Sino ba naman kase ang di maakit?

Kahit pa masakit ‘di ako pipikit

Huwag lang lumagpas mukha mong marikit

Lalong-lalo na ang mata mong singkit

Diyos ko siya na nga, this is it!


Pero bakit ganun chinita?

Bigla tuloy akong nairita

May boyfriend ka ayan oh kitang-kita

Akala ko naman isa lang bisita

Siya pala una sa lista, gusto ko na maging komunista


Ganun talaga yata ang buhay

Pero bukas ang aking bahay

Kahit ano pa rin sa’yo ay iaalay

Sa kagaya mo singkit na anghel

Promise, liars go to hell

Saturday, September 4, 2010

Huling Halakhak

Ilang taon na akong nakakulong

Sa bisyong nakakalulong

Wala naman gustong tumulong

Para ako’y bigyan ng silong

Sana’y pakinggan aking bulong


Ramdam ko ang pag-iisa

Bakit wala man lang nakikiisa?

Kahit man lang paisa-isa

Tuloy laging nababalisa

Nasa isang sulok lang at nag-iisa


‘Di ko akalaing aabot sa ganito

Litong-lito kakahanap sa pinto

‘Di naman ako humihinto

At kahit kailan ay ‘di hihinto

Talaga bang puso mo ay ginto?


Masakit man pero dapat tanggapin

Ang problema kong parang sapin-sapin

Wala akong sinisisi bakit naging alipin

Sa pag-ibig mong ayoko ng isipin

Sige na, sumasakit na aking ngipin


Sigarilyo, droga at alak

Alam mong ‘di ‘yan ang aking nilagak

Pagmamahal ko’y wagas, ayan ang bulaklak

Patunay kung gaano ako kagalak

Basta akin ang huling halakhak