Wednesday, April 14, 2010

Bulong

Akala ko’y ‘di na mauulit

Pangarap ng isang paslit

Dahil sa isang saglit

Puso ko’y muling umawit


Sa ganda mo ako’y nabihag

Huwag ka sanang mahabag

Iyan lang aking maiaambag

Saluhin mo bago pa ako bumalabag


Sa mga mata mong mapang-akit

Ako’y iyong nasungkit

Tanong ko lagi ay bakit?

Masakit, pero tuloy ang pagsabit


Ayoko mang isipin

Ako ngayo’y isang alipin

Handa mo ba akong sagipin?

Malabo, ayoko nang pangarapin


Pero malayo ka man sa akin

Puso’y ikaw pa rin ang tatangkilikin

Di mo ba talaga kayang basahin?

Siguro ayaw mo lang akong paasahin


Mahal kita Chelay

Lahat kaya kong ialay

Pati kaluluwa’y ibibigay

Sa kagaya mo handa akong bumigay

No comments: