Tahimik pero gusto mong lumabas
Mabigat sa loob hininga'y 'di maabot
Isa kang salot dapat kang ibalot at itapon sa laot
Nagsimula sa isang pagkakamali
Sinaktan at iniwan kayong laging nagmamadali
Tinaya pati tiwala niyo at malasakit
Ngayon ang sakit-sakit alam ko naman kung bakit
Akala ko lahat magiging madali
Kahit pa magulo lahat kaya kong itali
Pero sa bandang huli kayo pa rin ang nadali
Sa sangkatutak na desisyon kong mali-mali
'Di ko maiaalis trato niyong nakakainis
Ang sa akin lang handa akong magtiis
Mahirap maging tapat pero dapat
Ito ang nararapat para lahat maging sapat
Bawat minuto inaantay maging segundo
Umaasa na itong aking mundo
Maintindihan kahit na alam kong hindi sigurado
Ito ang bakas na gusto ko nang isarado
No comments:
Post a Comment