Friday, September 11, 2020

Pangarap Ko

Verse 1 
Isang dekada na ang lumipas 
Mula ng ako ay makaalpas 
Sa bansa kong mahal na Pilipinas 
Nangibang bayan para makaiwas 
Ayokong basta na lang dito maagnas 
Maganda buhay sa pamilya nais kong iparanas

Verse 2 
Tiniis ko ang lungkot 
Halos katawan ay mabaluktot 
Sa trabaho 'di matapos-tapos 
'Di man lang makaungos-ungos 
Pati sahod ko lagi na lang kapos 
Pakiramdam ko lagi akong nakagapos 

Chorus: 
Hindi sa ako ay nagrereklamo 
Pero ngayon ako naman ang amo 
Gusto ko lang magsumamo 
Naghihimutok na damdamin 
Nais kong inyong damahin 
Pagod na katawan inyong alalahanin 
Basta lahat aking gagawin 
Pangarap kong maginhawang buhay 
'Yan ang aking tutuparin 

Verse 3 
Wala mang kasiguraduhan 
Mga plano natin ating pag-isahin 
Magdasal 'yan ang kailangan 
Buhayin ang pag-asa kung kinakailangan 
Sa lahat ng sakripisyo saksi ang Diyos 
Kapit ng maayos lahat tayo makakaraos 

Bridge: 
Iba-iba man ang mga dahilan 
Iisa lang ang nais nating makamtam 
Ang makatulong na rin sa bayan 
Mahirap man, magulo at maraming hinaing 
Iba pa rin kapag sa Pinas ka nagsaing 
Kaya sa muli nating pag-uwi 
Pinaghirapan sabay nating tatamasain 

Repeat Chorus

No comments: