Madilim ang paligid
Pero masugid na nakaupo sa gilid
Kahit nakatagilid ay nakatingin
Tuloy parang mahuhulog sa bangin
'Di maiwasang mapatingin sa mga buhangin
Lahat ng problema gusto mong angkinin
Kelan ka kaya makakalanghap ng sariwang hangin?
Pssst 'di ka ba nagsasawa?
Paulit-ulit wala ka namang ginagawa
Paano giginhawa kung ngawa ka ng ngawa?
Pagkasawi mahirap talagang mapawi
Kung puro awa sa sarili ang namumutawi
Paano ka niyan matatapos at makauwi?
Kung araw-araw pareho ang iyong gawi
Buksan mo kaya iyong mga mata
'Di mo naman kailangan maging makata
Mukha ka tuloy nayuping lata
Lahat may solusyon huwag kang mataranta
Oo alam ko lagi kitang sinisita
Kahit kelan 'di titigil magprisinta
Kailan ka kaya uli makakakanta?
Pag-asa ay nasa isang tabi lang
Tutulungan kitang tumayo kaya please lang
Bumangon ka na diyan
Alam mong 'di kita pababayaan
Kaya sarili ay iyo ding turuan
Kahit pa nga ang isang sirang laruan
Kung pagtutulungan ay muling mapapakinbangan
Halika na wala na 'tong atrasan
Dibdib mo ay laging tigasan
Sarili ay muling bihisan
Pati kalooban mo ay linisan
Dahil tapos na ang kabanata mong minsan
Kamuntik nang sa'yo ay magpalisan
Kaya iyong bilisan, halika na insan
No comments:
Post a Comment