Nung musmos at bata ka pa
Walang muang at laging nangangapa
Sabi mo ayaw mong madapa
Dahil balang araw ikaw ay rarampa
Susuotin ang corona, ikaw ay sumumpa
Ang maging Miss U ng inyong munting dampa
Pero naiba na nung nagdalaga
Sa notebook mong corona naging aligaga
Nakapagtapos ka at ngayon ay nag-aalaga
Sa mga taong nabulaga
Walang sinuman ang makabangga
Sa coronang sobrang hiwaga
Hirap lahat silang makahinga
Isip at katawan mo walang ring pahinga
Isang paa mo nga nasa hukay na
At yung iba nga nauna na
Ano na, sige, hinga lang nang hinga
Kahit walang pahinga ika'y nakakahanga
Pero kahit nakakatulong
Sa mapinsalang corona ika'y nakakulong
Malayo sa pamilya mong bumubulong
Kelan ka uuwi para kami ay sumalubong
Pwede bang kami naman, iyang ang sumbong
Ng bunso mong nakatanhod lagi sa bubong
May awa ang Diyos
Balang araw lahat ay maiaayos
'Di ka na muling mangingilag
Sa coronang sa ating lahat ay bumihag
Uuwi ka na rin na walang bumabagabag
At sa iyong naiambag, ito ang isang corona kunin mo sa bag
Note: Sinulat ko' to para sa mga medical frontliners na binubuwis at ang iba nga nagbuwis na ng buhay nila para labanan ang Covid19.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment