Saturday, July 11, 2020

Gitnang Silangan

Dito sa Gitnang Silangang Asya
Pilit kong pinagkakasya
Pinupuno aking alkansya
Kahit 'di na ko masaya

Sa init ng disyerto
Sa akin lahat naka sentro
Para akong nasa konsyerto
Ipagpatayo niyo na ko ng monumento

Pasok sa isang tenga
Labas sa kabilang tenga
Huwag pumalag baka ngumanga
Ayan na nga mukha na kong tanga

Sa bawat mura
Dala'y pagkain sa sikmura
Kulang na lang ay dura
Para ika'y mabura sobrang nakakasura

Pikit lang 'pag masakit
Kahit maraming tanong na bakit
Mundo man natin ay masikip
Laging may pag-asang nakalakip

Pilit mo mang itago
Wala pa ring magbabago
Ikaw lamang ay dayo
Kung gusto mo ikaw ang lumayo

Pero sa kabila ng lahat
Bagama't alam kong salat
Kahit pa madalas inaalat
Dapat pa ring magpasalamat

Sa hirap ng buhay
Mawala man lahat ng kulay
May handang umalalay
Kaway kaway tuloy lang ang buhay

No comments: