Saturday, March 23, 2019

Wala Ng Tayo

Akala ko naman kaya ko
Pigilan ang oras at mangako
Pero lahat ngayon napako
Sa paghabol napunta sa kabilang dako
Kasalanan ko, iyong inako

Sa lamig ng hangin
Parang mahuhulog sa bangin
Along 'di ko alam saan ako dadalin
Kalangitang sumasalamin
Sa maling desisyon ako rin ang salarin

Sana iningatan kita
'Di ko kase talaga makita
Para kaseng iba ka sinta
'Di ko maisplika, parang musika
Paulit-ulit parang isang replika.

Paano ko pa ba maibabalik?
Oras na nawala sa isang pitik
'Di ko na alam ang susunod na titik
Siksik na siksik walang halong plastik
Tangi ko lang hiling ang iyong halik

Pero huli na ang lahat
Alam kong 'di ako karapatdapat
Sa pagmamahal mong walang katapat
Lapat na lapat, 'di ako ang nararapat
Isa, dalawa, tatlo, apat sana naging tapat

Sa aking paglayo agad kang tumayo
Makinig ka na sa kanilang payo
Ang puso mo muling mapapasa'yo
'Di ko na 'yan madadala sa kabilang ibayo
Paaalam na, wala ng tayo

Wednesday, January 16, 2019

Huling Paalam

Magulo ang aking utak
Bakit sa inyo 'di 'yan tumatak?
Humihingi ako ng tulong
Wala man lang sa aki'y sumalubong
Kaya 'dinaan ko na lang sa bulong
Kaya eto ako, lalong nalulong
Aanhin mo pa ang damo
Kung patay na kabayo mo

Mahirap bang makinig?
Bakit ayaw niyong pakinggan aking panig?
Kahapon pa ko nayayanig
Daig ko pa ang binalot sa banig
Gusto ko lang naman inyong marinig
Kahit hirap na hirap iparating aking tinig
'Di mapakali at nanginginig
Sa takot at lungkot sana inyong narinig

Sabi niyo lilipas din 'yan
Ayusin mo sarili mo bukas wala na 'yan
Pero tinanong niyo ba ako kung bakit?
Bakit ang sakit-sakit, sarap pumikit
Itsura ko tuloy lalong pumapangit
Bakit ba kayo ganyan kalupit?
Sa aking sinapit ayaw ko na tuloy lumapit
Dapat ganito, dapat ganyan pero bakit?

Minsan 'di niyo na kailangan magsalita
Yakap lang maganda na 'yung balita
Hatid nito'y saya ng parang sa mga bata
Isang tapik nga lang tanggal na aking irita
Mahalaga alam kong kahit walang salita
Kahit ako'y madalas pang nakahilata
Pitpitin man paulit-ulit na parang lata
'Di man kayo makata salamat kahit 'di halata

Kailangan ko lang inyong pang-unawa
'Di yung kayo pa ang lumalabas na kawawa
Tampulan na lang lagi ng sisi
Oo na kaya nga eto ako ngayo'y nagsisi
Sa nalalabi kong pang oras
Bibitbitin ko pa rin aking angas
'Di ako ungas kayo lang ang 'di bukas
Paalam wala ng darating na bukas

Note: Another soul gone too soon. This one is for you Brian Velasco (Razorback) and to those who needs to be heard before it's too late. R.I.P brother!

Persons feeling they need assistance may call Hopeline hotlines 804-HOPE (4673); 0917-558-HOPE (4673); or 2919 (toll-free number for Globe and TM subscribers).

Sunday, January 13, 2019

Moonlight Comfort

The moon is already out
It's shinning so bright
I should not pout
Though everything is in drought
Each and every doubt
I always look to the south

Cover me with your light
Oh I wish I have you tonight
Lift me my spirit with delight
I don't want you out of my sight
Please make this night right
Promise I'll always be your knight

Comfort me as I sigh
I almost wanted to die
You know I'll never ever lie
This heart that wants to see the sky
Clear & without any question why
This time I'll give it a try

Sing me a lullaby
Don't you dare say goodbye
I'll change to keep us high
I'll never again make you cry
Your light will keep us dry
As we walk under the mooonlight

I already said this twice
I'll say it again & roll the dice
I always want it whole not just a slice
Your love that's so nice & those eyes
That comfort all those lies
Now, I feel I'm in paradise

Tonight, I want to feel you
Keep it close & I'll show you
There's no better way to tell you
I love you & everything about you
You're moonlight comfort makes me feel neat
That's why my life now is complete

Monday, January 7, 2019

Saving Grace

Many times I cried
With my two hands tied
As I slowly lose my mind
You were there & was so kind
Oh you never left my side

I was grasping for air
Thinking everything was unfair
Though I know I was aware
You saved me & helped me prepare
What you did is beyond compare

Many times I was scared
I thought nobody really cared
So I gave it all & shared
My everything as you gradually stared
Then I thought I wish this could be repaired

On my darkest nights
You gave so much light
And when I was out of sight
You held me real tight
It felt right & everything was bright

Looking at you right now
I ask myself how
If only you will allow
Follow me then give me a bow
As I prepare our special vow

Sunday, January 6, 2019

Huli Na

Akala ko naman ayos ka
Kaya nga ito 'di ko maisplika
Ang linya sa'yong mga musika
Nakakapagtaka sana nagsabi ka

Tahimik ka lang walang reklamo
Sa maliit mong mundo ikaw ang amo
Kung dati ay nagsusumamo
Bakit ngayon parang tutang maamo?

'Di ko man lang nakita
Unti-unti ka na palang naiirita
Iniiwasan mong magbanta
Sa loob pala ikaw ay natataranta

Mahirap isipin alam ko
Mag-isa ka at madalas nabablanko
Para kang ikunulong sa sako
'Di makahinga nakakainis nasan ba ako?

Ako dapat ang iyong takbuhan
Sinubukan mo kaso ikaw ay naunahan
Hirap at sakit iyong naging basehan
Sumuko ka dahil wala ka na maasahan

Ang sakit, bakit ba nakakapagsisi?
Kung hinabaan ko lang sana ang aking pisi
Sana nandiyan ka pa at walang masisisi
Pero sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi

Ngayon tahimik ka na
Problema ay 'di mo na alintana
Sa pagsilip mong muli sa bintana
Ngiti ang ipakita salamat at ayos ka na

*Inspired by the story of Nas' japanese friend who took his own life!

Monday, December 10, 2018

Kakampi

Sorry 'di kita napanindigan
Ako dapat ang iyong sandigan
Maituturing mong isang kaibigan
Kadugo at 'di mo kailangan ilagan

Naging mahina ako at pabaya
Sana 'di na lang ako nagpaubaya
Akala ko naman ikaw ay sasaya
Wala man akong silbi, 'di kita dinaya

Masakit 'yung wala kang magawa
Kahit alam mo nang nakakasasawa
Pakiramdam mo ikaw ay kawawa
Pero nandito ako kahit kulang sa gawa

Ngayon ikaw ay litong-lito
'Di malaman ang anim sa pito
Kahit alam mong marami ang pinto
Dito sa piling ko ikaw ay hihinto

Huwag kang mag-alala
'Di lang ikaw ang may sala
Ako pa rin ang nagsimula
Kaya buhay natin ay lumala

Kapit lang may bukas pa
Alam kong may isa pa
Kaya buhay mo'y ayusin
Huwag kang gagaya sa akin

Up Late

I don't sleep
I only weep
Trying so deep
Longing for that one last dip
To the life I allowed to slip

I stay awake
Not knowing what's at stake
I wanted to stop and brake
But I always break
And make things fake

I listen to darkness
To get rid of this madness
Keeping me away from sadness
Reaching out for gladness
Get me through this blindness

I close my eyes to stop
Every second 'til I drop
I know this is all crap
Wish I can get out of this trap
Free me from this strap

I wait for every morning
Tired and always mourning
Hope one day I'll be singing
Songs that will keep me dreaming
Time to sleep and see what's coming