Wednesday, May 21, 2008

Princesa

Sa isang sulok ako’y napatingin

Taglay mong ganda’y nakaka-paraning

Akala ko tuloy mahuhulog sa bangin

Ng minsan ako’y iyong pansinin

 

Mga mata mo’y ’di ko mawaglit

Huwag ka lang sanang magagalit

Kung ang puso ko’y umawit

Pagka’t ako’y iyo ng nakalawit

 

Tama na sa akin na ako’y iyong kausapin

Dahil bawat oras ito’y lalasapin

Handa na akong magpa-alipin

Basta’t nariyan ka para ako’y sagipin

 

Hindi ko akalain na ikaw na pala

Buti na lamang at may mga tala

Panalangin ko’y may napala

Kaya ngayon ako’y napinsala

 

Sana’y’ di na ito matapos

Ang panaginip kong kapos

Oh aking princesa ako’y iyong igapos

At tuluyan ng tangayin ng iyong agos

 

Bihira lang ang ganitong pagkakataon

Na iyong ibinigay sa pusong baon

At naghihirap na ng ilang taon

Salamat sa iyong pagmamahal na sa aki’y tinuon

No comments: