Wednesday, May 21, 2008

Silencio

Ilang araw na tayong ‘di nag-uusap

Parami na ng parami ang kulisap

Sa aking kinalalagayan wala ng kislap

Ang mga talang bahagyang mailap

 

Tahimik pa rin ang paligid

At kung dati ako’y masugid

Ngayon nadito na lang sa gilid

Nakaupo sa maliit kong silid

 

Di ka pa ba napapagod?

Masakit na nga itong gulugod

Kailan kaya magiging malugod?

Ang samahan nating nakakapagod

 

Naubos na ang mga salita

Bago na ang mga balita

Tapos na rin ang aking kanta

Pero ganito pa rin aking sinta

 

May pag-asa pa ba?

Na ang relasyon maisalba

Pagkatao ko na’y ibinaba

Para lang ang lahat ay maiba

 

Lahat ng bagay may katapusan

Pero ayoko ng gantong puspusan

Parang wala tayong pinagsamahan

Wala na ba talagang pagmamahalan?

 

Mayroon man o wala na

Masaya ako at nagkasama

Sa maikling mundong ating inaruga

Ako talaga’y iyong  nauga

No comments: