Saturday, June 16, 2018

Itay

Alam kong tahimik ka lang
Pero damdamin namin lagi mong isinasaalang-alang
Lahat ng aming pangangailangan
Kaya mong ibigay kung kinakailangan
'Di ka man nagsasalita lagi
Sa aming isipan ikaw lang laging sumasagi

Sa pagmamahal mong walang inaantay na kapalit
Asahan mong 'di ka mawawaglit
Lahat ng bagay na ginawa mo noong kami pa ay paslit
Habang buhay naming isisingit
Ang walang hanggan mong pagmamalasakit
Sulit na sulit tanggal lahat ng sakit

Sa espesyal mong araw
Ikaw lang at wala ng ibang mangingibabaw
Sa lahat ng sakripisyo mo mapa ilalim man o ibabaw
Walang makakaagaw
Pagmamahal nami'y kailanman 'di maliligaw
Itay salamat sa lahat iyan ang aming sigaw

Happy Father's day to all of us! 😊😊😊

No comments: