Sa isang maliit na kuwarto
Tantsa ko mag-aalas-kuwatro
Habang nakatingin sa salamin
Pilit iniisip ng malalim
Buhay kong 'di mawari
Mga pangyayaring mapagkunwari
May pag-asa pa bang marinig
Boses kong wala ng tinig
Tao po pahingi ng konting sandali
Pwede bang sumali 'di naman ako nagmamadali
Sa dating samahang walang kasing tamis
Nakakainis sobrang nakakamis
Pero bakit ngayon tila naglaho
Daig ko pa ang basurang mabaho
Oo nga pala 'di na kailangang magtaka
Ayoko na ring mag-isplika
Tulala at sinasariwa isa-isa
Mga alaala noong ako'y 'di pa mag-isa
Sa isip kong magulo minsan din akong sumaya
Kahit sandali lang bago ako lumaya
Sa lahat ng sakit na aking tinago
Alam kong sasabihin niyong gago
Mga tarantado, 'di ganyan aking estado
Dito sa aking entablado lahat kayo tablado
Ikaw naranasan mo na bang umiyak?
'Yun bang parang nawalan ka ng kabiyak
Gusto mong lumaban, laban lang laban
Pero lahat sila 'di naman tinatablan
Kanya-kanyang puna, sarili 'di mo na makilala
Sila na ang dakila, iwas na lang para 'di lumala
Sitwasyong sa bandang huli kahit pa tama
Alam mong mali pero 'di na kailanman maitatama
Sa pagsikat ng araw, balang araw
Kapag ang mundo handa ng makisayaw
Sa damdamin kong 'di makasabay-sabay
Ni isa walang umalalay, sige kampay
Oras na lang naman aking hinihintay
Maya-maya lang ay magpapantay
Mga paa kong napagod na kakaantay
Sa pagmamahal niyong nakakamatay
#AnthonyBourdain #KateSpade
#Avicii #AllGoneTooSoon
No comments:
Post a Comment