Sa pagbuhos ng ulan
Puso ko'y unti-unting napunan
Saksi sa saya ko ang aking unan
Taglay kong ngiti kailanman
'Di na matutumbasan nino man
Sige lang huwag kang titigil
Dahil ang aking panggigil
Talaga namang hindi ko mapigil
Sa iyong pagdating lahat tumigil
Kahit pa pigil na pigil ako'y hindi magpapigil
Sa bawat dampi sa aking balat
Saya ko ay kumalat
Kung dati ay salat na salat
Ngayong ay sapat na sapat
Pangako ko sayo'y magiging tapat
Huwag ka sanang magsasawa
Para magtutuloy ang aking tawa
Kung dati ay mukhang kawawa
Ngayon sa awa ng Diyos marami ng nagawa
Lunurin mo pa ko ng iyong pang-unawa
Mahirap mang ipaliwanag
Buhos mo'y aking naging liwanag
Asahan mo hindi ako matitinag
Kahit pa ang araw at kanyang sinag
Walang magagawa ako'y iyong nabihag
Tumigil man ang hatid mong ginhawa
Ikaw ay makakaasa
Pag-ibig ko na ikinakasa
Gawing mong inspirasyon at pag-asa
Simula ngayon hindi ka na muling aasa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment