Sa muling pagsikat ng araw
Magandang umaga aking natatanaw
Malinaw sa aking isipan ang mga
bagong pananaw
Na sumasaklaw sa mga nais kong matanaw
Puso ko ay umaapaw
Kahit simpleng pangarap lang ang nangingibabaw
Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon
Ang iba nga bumibilang ng maraming taon
Kahit ngayon ako ay sobrang baon
Pilit na tinutuon para lang makaahon
Ito na marahil ang tamang panahon
Sa pagbagsak ng dahon ako'y muling babangon
Sa iyong gabay Panginoon
Mga kamalian ko kahit pa yung mga noon
Itatapon ko lahat para lang umayon
Basta sana lahat ay sumang-ayon
Kahit pa harangan ng kanyon
'Di ako aayon pagkat sa'yo lang ako
sasang-ayon
Kakalimutan ko ang lahat
Kahit hirap na hirap na sa pagbuhat
Sa pamamagitan nitong mga sinusulat
Maging kayo sana ay mamulat
Dahil patuloy ko itong ikakalat
Sabik nang mga mata ko'y muling maidilat
Oh kay sarap namang yakapin
Sitwasyong matagal mo ng gustong baguhin
Lahat kayang gawin basta't iyong gugustuhin
Pagmamahalan muling pag-ibayuhin
Nang pagsasama nati'y muling pagtibayin
Sa aking pagbabalik kakalma na muli
ating baybayin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment