Makalipas din ang ilang taon
Muli na namang sasaya
Buhay namin muling liligaya
Sa iyong pagdating sana'y lahat mabago
Salamat at ikaw ang magpapabago
Tulog ka lang muna ng mahimbing
Alam kong babalik din ang dating lambing
Huwag ka munang timindig
Lahat pa kami ay maligalig
Puso'y 'di magpantay ang pintig
Konti pa makukuha rin 'yan sa pananalig
Mga tawang nawala dati
Masayang ngiti sana'y iyong iganti
Sa taglay mong kagandahan
Kami lahat mag-uunahan
Sa paghawak sa'yo at pagbuhat
Ikaw na nga ang magbubuklod sa aming lahat
Kung dati ay hiwahiwalay
Halos lahat kami magkakaaway
Nauubos sa walang katuturan mga laway
Kanya-kanya away ayaw magpasaway
Pero sana sa iyong pag-iyak kami'y 'di makasuway
Ito na marahil ang simula ng bukang liwayway
'Di ko alam paano kita niyan pasasalamatan
Lahat iyong ibibigay at wala kang makakalimutan
Salamat 'di mo kami pagkakaitan
Ng pagkakataong muli kaming mabuhay
Kaya lahat sa'yo ay gagawin at iaalay
'Di ito isang alamat, pero sa aming mga
puso mawawala lahat ng lamat kaya salamat
No comments:
Post a Comment