Saturday, June 23, 2018

My Showgirl

Hoy miss oo ikaw miss
Minsan ikaw ay nakakinis
Alam ko ikaw ay makinis
Kaya nga nagtitiis
Sa bawat upload mo walang mintis
Lagi kang kinikilatis

Ano nga bang meron ka
'Yan din ang ipinagtataka
Lahat ng bagay kaya kong isplika
Pero sa'yo parang sirang plaka
Paulit-ulit bakit ka kakaiba
Sige zumba pa malapit na ko sumamba

Wala ka kaseng tigil
Sa gym ikaw ay nakakagigil
Sa pagtagaktak ng iyong pawis
Lahat ng pagod ko naalis
'Di na tuloy makaalis
Sa kinatatayuan ako'y iyong winalis

Pero sa totoo lang minsan
Ayokong makita sana pakibawasan
Mga picture mong kitang-kita ko na lahat
Magtira ka naman 'di 'yan para sa lahat
Sorry 'di ko lang maitago
Mga gusto mong ipakaita sana lahat mabago

Sayang lang kung pagpipiyestahan
Katawan mo at gawing pulutan sa mga kantahan
Baka lang mapaaway at makasuhan
Sa pagtatanggol sa'yo 'yan lang aking kaligayahan
Halika nga ako na lang iyong samahan

Sa sobrang linis
Ng intensyon ko sana huwag
ka mainis
Lahat ng ito gusto ko iyong marinig
Minsan lang ako magparinig
Hoy miss ako ba ay iyong naririnig
Tibok ng puso ko'y sana'y iyong marinig

No comments: