Wednesday, August 4, 2010

Elevator in Action

Sa opisina ng makita ka

Ako’y biglang nagtaka

Naalala ang paborito kong plaka

Teka nahihirapan na akong iisplika

Nalilito, wala naman akong tangka


Tinawag ka habang naglalakad

Dire-direcho, mukha mo’y kaladkad

‘Di naman ako maaskad

Busy lang kaka-autocad

Ano ba, why are you so sad?


Sayang naman ang ganda at puti

Ng iyung kutis sayo’y unti-unti

Kahit makulong pa sa Munti

Kulay mong sobrang puti

Patuloy na sa aki’y kikiliti


Pero lumipas na ang maghapon

Lumamig na ang sinigang kong hipon

Natuyo na rin pati ang sipon

Magsalita ka naman ng ‘di naiipon

Oh common, here’s my i-phone


Wala na nga yatang pag-asa

Pero ‘di naman ako umaasa

Na sa’yo ay papasa

Isang sulyap lang sana

Na-leche pa, asan na ba siya?


Elevator in action

Ganyan sana lagi ang okasyon

Tapos na ang bakasyon pati nga orasyon

Pinatulan manalo lang sa misyon

Suko na ko wala ng passion that’s my final decision