Monday, December 10, 2018

Kakampi

Sorry 'di kita napanindigan
Ako dapat ang iyong sandigan
Maituturing mong isang kaibigan
Kadugo at 'di mo kailangan ilagan

Naging mahina ako at pabaya
Sana 'di na lang ako nagpaubaya
Akala ko naman ikaw ay sasaya
Wala man akong silbi, 'di kita dinaya

Masakit 'yung wala kang magawa
Kahit alam mo nang nakakasasawa
Pakiramdam mo ikaw ay kawawa
Pero nandito ako kahit kulang sa gawa

Ngayon ikaw ay litong-lito
'Di malaman ang anim sa pito
Kahit alam mong marami ang pinto
Dito sa piling ko ikaw ay hihinto

Huwag kang mag-alala
'Di lang ikaw ang may sala
Ako pa rin ang nagsimula
Kaya buhay natin ay lumala

Kapit lang may bukas pa
Alam kong may isa pa
Kaya buhay mo'y ayusin
Huwag kang gagaya sa akin

Up Late

I don't sleep
I only weep
Trying so deep
Longing for that one last dip
To the life I allowed to slip

I stay awake
Not knowing what's at stake
I wanted to stop and brake
But I always break
And make things fake

I listen to darkness
To get rid of this madness
Keeping me away from sadness
Reaching out for gladness
Get me through this blindness

I close my eyes to stop
Every second 'til I drop
I know this is all crap
Wish I can get out of this trap
Free me from this strap

I wait for every morning
Tired and always mourning
Hope one day I'll be singing
Songs that will keep me dreaming
Time to sleep and see what's coming