Monday, December 14, 2020

Kaibiyak Ng Puso

Sa biglaang tingin 
Puso ko'y nahumaling 
'Di na inintindi ang singsing 
Sa kamay mong nais maangkin 
Dalangin ko lang iyong mapansin 

Gusto ko mang lumapit 
Mayakap ka ng sobrang higpit 
Maramdam bawat mong kapit 
Alam kong isa lang akong sabit 
Sa huli sa kanya ka pa rin lalapit 

Ang taglay mong ngiti 
Sa damadamin ay kumikiliti 
Mula tenga hanggang nga sa binti 
Ramdam ko 'yan katulad ng dati 
Masaskatan lang ganyan naman parati 

Pilit ko mang kalimutan 
Maghanap ng iba at ika'y palitan 
Ayoko naman mauwi sa pilitan 
'Di rin naman madadaan sa salitaan 
Puso mo'y 'di ko na maalagaan 

Tatahimik na sa lang sa tabi 
Baka kung ano pa ang masabi 
Pagmamasdan na lang iyong labi 
Kahit na siya ang lagi mong katabi 
Pagmamahal ko sa'yo aking isasantabi '

Di ko man kayang sabihin 
O kaya idetalye o isa-isahin 
Laman ng puso akin ng aamin 
Haharap sa'yo parang nasa salamin 
Ito ang aking tunay na damdamin

Monday, October 26, 2020

Walang Hanggan

Sa pagpikit ng iyong mata 
Hatid nitong sakit 'di ko alintana 
Kamay mong umalalay sa akin 
Puso ko na iyong inangkin 
Kailanman 'di ko na maibabalik 
Sa iyong pag-alis baonin mo aking halik 

Ikaw na aking naging sandigan 
Takbuhan ko at naging kaibigan 
Mga payo mong tumatak sa aking isipan 
Hanggang ngayon ay palaisipan 
Paano na kung ikaw ay wala na 
Kanino tatakbo kung ikaw ay nasa langit na 

Yakapin mo ako ng mahigpit 
Sing higpit ng iyong malupit na kapit 
Pagmamahal mo 'di ko kailanman ipagpapalit 
Buhay na iyong inalay sa amin
Mga hirap at sakripisyong iyong tinanim 
Papahalagahan ko at pananatiliing amin 

Hindi ko alam kung papaano 
Lagi na lang nakasunod sa iyong anino 
Ikaw lamang ang hinangaan at inidolo 
Ngayong tuliro at humihingi ng saklolo 
Buhay namin ngayon tiyak magbabago 
Bagamat't kabado patuloy akong tatayo 

Malaya ka na ngayon sa sakit 
Malayo na sa lahat ng pasakit 
Magpahinga ka na at muling ngumiti 
Kami muna ang magdadalamhati 
Yayakapin magagada mong alaala 
Na sa amin ay iyong ipinagkatiwala 

Walang hanggang paalam 
Itay iyan ang gusto ko iyong malaman 
Kahit saan ka man o anuman 
'Di ka mawawala sa aking isipan 
Puso ko'y muli mong hawakan 
Hanggang sa uli ikaw lang ang aking hahagkan

Monday, September 28, 2020

Sana

Sana iba na lang 
Sana 'di ko isinaalang-alang 
Sana maganda ang kinahinatnan 
'Di 'yung ganito walang patutunguhan 

Masakit pero kailangan tanggapin 
Lahat sinusubukan kong sagipin 
Pangarap na gusto ko uling paliparin 
Sawang-sawa na akong paalipin 

Bakit ba kase 'di ko naisip 
Umasa lang ako sa pagtatakip 
Daan ko sana ngayon ay 'di masikip 
Marami kong oras dinaan ko sa idlip 

Sana dati inaayos ko na 
Buhay na maganda at nakaplano 
Ilang beses sanang nakasakay ng eroplano 
'Di 'yung puro tanong na papaano  

Sa dami ng binalewala ko 
Mga pangako ko lahat napako 
'Di ko pinahalagahan at inasikaso 
Pangarap kong iningatan ko sa baso 

Nasa huli man ang pagsisi 
Pipilitin ko pa ring ngumisi 
Kahit pa mangalay aking pisngi 
'Di na ko magiging bingi 

Sana maulit muli 
Bago man lang buhay ko'y isauli 
Ngayon mas magiging mapili 
Buhay na malaya at 'di nakatali

Friday, September 11, 2020

Pangarap Ko

Verse 1 
Isang dekada na ang lumipas 
Mula ng ako ay makaalpas 
Sa bansa kong mahal na Pilipinas 
Nangibang bayan para makaiwas 
Ayokong basta na lang dito maagnas 
Maganda buhay sa pamilya nais kong iparanas

Verse 2 
Tiniis ko ang lungkot 
Halos katawan ay mabaluktot 
Sa trabaho 'di matapos-tapos 
'Di man lang makaungos-ungos 
Pati sahod ko lagi na lang kapos 
Pakiramdam ko lagi akong nakagapos 

Chorus: 
Hindi sa ako ay nagrereklamo 
Pero ngayon ako naman ang amo 
Gusto ko lang magsumamo 
Naghihimutok na damdamin 
Nais kong inyong damahin 
Pagod na katawan inyong alalahanin 
Basta lahat aking gagawin 
Pangarap kong maginhawang buhay 
'Yan ang aking tutuparin 

Verse 3 
Wala mang kasiguraduhan 
Mga plano natin ating pag-isahin 
Magdasal 'yan ang kailangan 
Buhayin ang pag-asa kung kinakailangan 
Sa lahat ng sakripisyo saksi ang Diyos 
Kapit ng maayos lahat tayo makakaraos 

Bridge: 
Iba-iba man ang mga dahilan 
Iisa lang ang nais nating makamtam 
Ang makatulong na rin sa bayan 
Mahirap man, magulo at maraming hinaing 
Iba pa rin kapag sa Pinas ka nagsaing 
Kaya sa muli nating pag-uwi 
Pinaghirapan sabay nating tatamasain 

Repeat Chorus

All That I Am

Verse 1
You seem sad again 
Your eyes tell me all your pain 
If only I could mend 
That broken heart he bend 
But all I am is just your friend 

Verse 2
I wish I could embrace you 
Tell you everything I feel 
It has been here and its so real 
For years I've been hiding 
But it's not what you've been looking 

Chorus: 
Come to me I will take you there 
To a place where you can be safe 
Around my loving arms you will stay 
Away from all your heartaches 
Together we'll end all this madness 
This is who I am 
And I love you for all that you are 

Verse 3 
Whenever you need me 
Just look up to the skies 
The blue skies are my eyes 
Always staring at you from a far 
Wishing to be your next important star  

Bridge: 
But all that I am is just a friend 
It hurts a lot and this has to end 
I deserve someone who can love me back 
But please tell me how... 
I'm all yours from the start 

Repeat Chorus

Thursday, September 10, 2020

Kween LC

Verse 1 
Hindi kita kilala 
Pero dala mo lagi ay saya 
Talaga namang nakakaaliw 
Lahat ng paandar mo nakakabaliw 

Verse 2 
Hindi ka nila kilala 
Pero lintik sila kung makatawa 
Talaga namang nakakaginhawa 
Lahat ng problema bahagyang mawawala 

Verse 3 
Hindi ka niya kilala 
Pero si Mariah bigla ka naalala 
Talaga namang may tweet pa 
Lahat kami 'di matanggap na wala ka na 

Chorus: 
Kaway-kaway Kween LC 
Sa langit ikaw na ang reyna momshie 
Tuloy mo lang ang party-party 
Mag-vlog ka diyan huwag ng umarti-arti 
Para kaming iniwan mo 'di na mag-senti 
Pagkawala mo hanggang ngayon nakaka-empty 
Smile naman diyan matatapos din ang 2020 

Verse 4 
Hindi mo sila kilala 
Pero mga tulong mo dala'y pag-asa 
Talaga namang nakakahanga 
Lahat ng mga bata sa'yo napapanganga 

Verse 5 
Pamilya mo nga 'di mo pinagkaitan 
Pero siyempre number one si nanay 
Talaga namang all out todo bigay 
Lahat pati pinapangarap niyang bahay 

Bridge: 
Pero eto na 'yun Darna 
Paalam na sa'yo kaibigan 
Salamat sa sayang iyong ibinahagi 
Vlogs mo isasapuso namin palagi 
Gusto mo 'to Gusto ko 'to 
Gusto ka naming lahat 

Repeat Chorus

Saturday, September 5, 2020

First Night

Verse 1

The night is almost over
You held my hand close to your heart
Turning me into a believer
That love is real and can last forever

Verse 2

Gently you touched my lips
Whispered the words I love you
Knowing it would be my last
I replied and instantly forget my past

Chorus:

I don't want to end this moment
If only I could stop the sunrise
Spend an hour more 'til the day breaks
Feel my soul and align with the universe
Up where stars are shining bright
You're like a thief in the night
You stole my heart & gave me sunlight

Verse 3

Stay with me unconditionally
Don't ever try to leave my side
I have nothing but will take you for a ride
Here beside me we'll glide and slide

Verse 4

Just leave your worries behind
We'll never look back and rewind
Together we'll be moving forward
Start our lives and revel on our rewards

Repeat Chorus
Instrumental

Bridge:

Hang in there
There's a lot more to discover
Let me be that perfect lover
Now let's start to uncover
This first night I can't get over

Repeat Chorus

Thursday, August 27, 2020

My Metaphor

It's sunset once more 
I can still remember 
The vividness of that old metaphor 
The calm lake was your mirror 
Your golden hair was a flowing river 
That transcends time and space forever 

Glance at my soul 
Resurrect this passion and all 
From the moment I started to fall 
It was sparkling winter 
The cold glittering wind whispered 
As the surface of the door began to blister 

Get hold of our time 
Put it in my hand and tell me a rhyme 
This heart of yours that was once mine 
Kindly turn back the hands of time 
Sour like a fine lemon lime 
I'm sure I won't be next in line 

But keep me as close 
Take me to a place off the slopes 
With all my hopes lying on the coast 
Struggling to collect the broken pieces 
Tormented apart I hope it reaches 
Time has come to mend our bridges 

Tomorrow is not promised 
Yesterday will be surely missed 
Today hopefully will be a bliss 
Take me out of this abyss 
Grasp slowly and take this masterpiece 
Someday I'll have my own peace

Siya Na Nga

Minsan sa sakit ng naranasan
Akala mo 'di na mababawasan 
Bitbit ang puso mong pagod at umaasa 
Pero mayroon biglang darating 
Isang taong magpapatibok 
Papasukin at muli mong mamahalin 

Dala niya ay bagong liwanag
Sa madilim mong nakaraan 
Dalangin mo lagi siya na nga 
Mahirap mang paniwalaan 
Pag-ibig na gusto mong ipagsigawan 
Umaasang huwag mauwi sa hiwalayan 

Chorus: 

Sa pangalawang pagkakataon 
Buhay mo ay biglang sumaya 
Handa ka niyang muli alalayan 
Nangakong hinding-hindi pababayaan 
Puso mong minsan ng nalungkot 
Sinara mo dati dahil sa takot 
Ngayo'y ayaw mo ng ipagdamot 
Siya na nga ang inaantay mong gamot 

Sa tagal ng panahon 
Mga araw na na 'di ka makaahon 
Damdaming mong hinuhulog mo sa kahon 
Ngiti mong nakakubli lagi sa dahon 
Lumabas na muli at nakalaya 
Sana nga siya na ang magpapaligaya 
 
Labi mong ubod ng tamis 
Mga mata mong walang kurap 
Na sa kanya lang nangungusap 
Ang sarap talagang mangarap 
Abot kamay, hawak kamay 
Ngayon mayroon ka na uling kadamay 

Bridge: 

Salamat at agad siyang dumating 
Yakap niya sayong mahigpit bakit masakit 
Siya na nga, bakit ko ba binabanggit 
Panghihinayang wala ng paglagyan 
Wala ka na, ikaw naman ang pagbibigyan 
Sa wakas puso mo meron ng paglalaanan 

Repeat Chorus

Monday, August 24, 2020

Break Up

Huwag ka munang lumapit
Tingin mo sa aking malagkit
Naalala ko pa ang sakit
Tanong ko lagi ay bakit
Mga mata mong singit
Patuloy na sa akin ay nanakit

Huwag ka munang magsalita
Boses mong parang linta
'Di ko matanggap ang balita
Tanong ko pa rin aking sinta
Mukha mong 'di ko na maipinta
Dadaanin ko na lang sa kanta

Chorus:

Tapos na
Ubos na
Wala na
Durog na ating mga puso
'Di na pwedeng makiuso
Sarili naman natin ang unahin
Huwag na nating paasahin
Ayoko na ng maraming alalahanin
Pikit ka na huwag mo na 'tong basahin

Huwag ka munang magmakaawa
Ako dito ang talagang kawawa
'Di ka pa ba nagsasawa
Tanong ko pa rin huwag kang tatawa
Pagmamahal mong nakakaginhawa
Ayoko na muling mahawa

Huwag ka munang umiiyak
Alam mong 'di ako ang iyong kabiyak
'Di ka ba napapagod kakaiyak
Tanong ko pa rin 'di ko tiyak
Bilis ng lahat parang tadyak
Gusto ko ako ang unang iiyak

Bridge:

Simple lang aking hiling
Pakinggan mo bago ka umiling
Ayoko na sa iyong piling
Palayain na natin ang isa't isa
Bukas may panibagong tiyansa
Na muli tayo lumigaya
Halika na at tayo ay lumaya 

Repeat Chorus

Thursday, July 23, 2020

It's Over

It took me awhile
Before I finally realized
The love of my life was gone
Everything was set and done
My darkest day has just began

Staring at the window
I hear your angelic voice
I sighed and all I hear is noise
Everything was set and done
My darkest day has just began

Chorus:
I know it's over
Somebody tell me it's really over
Convince me it's over
Free me from all despair
Hold me closely as I repair
This broken heart I'd like to share
Someday will be a pair again
For now, I'll embrace this pain

This time I'll be stronger
Seems easy but I can't, without you
Tears are falling down my cheeks
Everything was set and done
My darkest day has just began

Bridge:

Looks like I made it
In my dreams I'm sure we'd make it
I'll not force anything this time
Just keep an open line
I'm sure everthing will be fine, in time

Si Ex

Kamusta ka?
Dalawang taon na rin ang nakalipas
Pero bakit ang iyong ganda
Hanggang ngayon ay iyong dala

Kamusta ka?
May puwang pa ba?
Diyan sa puso mong dating akin
Na ngayon ay 'di na maangkin

Chorus:
Masakit mang isipin
Wala ka na at di na maibabalik
Pagmamahal na sayo ay nakamit
Ayoko ng umasa na muling maitutuwid
Hanggang dito na lang talaga
Kamusta na, si ex ko nga pala

Kamusta ka?
Yakap mong sobrang higpit
Pilit kong iwinawaglit
Dalingin ko sanay muling makamit

Bridge: 
Balang araw makakatagpo uli
Nang taong para sa akin
'Di ko na muling papaplayain
Dahil sayo muli akong magmamahal

Sunday, July 12, 2020

One Verse

Last night I almost died
When I heard you lied
I know you really tried
But my feelings was dried
All those tears I cried
I know you don't mind
I don't need to remind
Please just don't rewind
The memories we created
It was all lies and anticipated
I know you're disappointed
If only I just avoided
Your love that you painted
In my heart I'm so disgusted
Please leave to stop this hatred
Now Im all fucked up and frustrated

Saturday, July 11, 2020

Gitnang Silangan

Dito sa Gitnang Silangang Asya
Pilit kong pinagkakasya
Pinupuno aking alkansya
Kahit 'di na ko masaya

Sa init ng disyerto
Sa akin lahat naka sentro
Para akong nasa konsyerto
Ipagpatayo niyo na ko ng monumento

Pasok sa isang tenga
Labas sa kabilang tenga
Huwag pumalag baka ngumanga
Ayan na nga mukha na kong tanga

Sa bawat mura
Dala'y pagkain sa sikmura
Kulang na lang ay dura
Para ika'y mabura sobrang nakakasura

Pikit lang 'pag masakit
Kahit maraming tanong na bakit
Mundo man natin ay masikip
Laging may pag-asang nakalakip

Pilit mo mang itago
Wala pa ring magbabago
Ikaw lamang ay dayo
Kung gusto mo ikaw ang lumayo

Pero sa kabila ng lahat
Bagama't alam kong salat
Kahit pa madalas inaalat
Dapat pa ring magpasalamat

Sa hirap ng buhay
Mawala man lahat ng kulay
May handang umalalay
Kaway kaway tuloy lang ang buhay

Friday, July 10, 2020

Paglaya

Mahirap umiyak mag-isa
Kaya sa halip na manghusga
Alamin mo itong nadarama
Ang pusong handa ko ng ibahagi

Masakit malamang siya talaga
Ang laman ng iyong puso't isipan
Taglay ko man ang pagmamahal
'Di naman pwede ipagsigawan

Hawak mo ang kamay niya
Kapit mo rin pati ang puso ko
'Di man tayo ang tinadhana
Bahala na, ako na ang mahina

Sa sakit ng nararamdaman
Habang ikaw ay masaya sa piling niya
Baonin mo ang pagsusumamo
Alam kong 'di na kita mapapaamo

Batid ko namang malabo na
Aasa pa rin ako na balang araw
Sa 'di inaasahang pagkakataon
Mga landas natin muling magtatagpo

Dalin mo ko oh hangin sa lugar
Kung saan pwede kitang mayakap
Tayong dalawa lang at wala ng iba
Malayo sa pagmamahal mo sa kanya

Tandaan mong mahal kita
Huli na to dahil 'di mo na makikita
Handa na kong magparaya
Masaya na kong makita kang masaya

Sunday, March 29, 2020

Corona

Nung musmos at bata ka pa
Walang muang at laging nangangapa
Sabi mo ayaw mong madapa
Dahil balang araw ikaw ay rarampa
Susuotin ang corona, ikaw ay sumumpa
Ang maging Miss U ng inyong munting dampa

Pero naiba na nung nagdalaga
Sa notebook mong corona naging aligaga
Nakapagtapos ka at ngayon ay nag-aalaga
Sa mga taong nabulaga
Walang sinuman ang makabangga
Sa coronang sobrang hiwaga

Hirap lahat silang makahinga
Isip at katawan mo walang ring pahinga
Isang paa mo nga nasa hukay na
At yung iba nga nauna na
Ano na, sige, hinga lang nang hinga
Kahit walang pahinga ika'y nakakahanga

Pero kahit nakakatulong
Sa mapinsalang corona ika'y nakakulong
Malayo sa pamilya mong bumubulong
Kelan ka uuwi para kami ay sumalubong
Pwede bang kami naman, iyang ang sumbong
Ng bunso mong nakatanhod lagi sa bubong

May awa ang Diyos
Balang araw lahat ay maiaayos
'Di ka na muling mangingilag
Sa coronang sa ating lahat ay bumihag
Uuwi ka na rin na walang bumabagabag
At sa iyong naiambag, ito ang isang corona kunin mo sa bag

Note: Sinulat ko' to para sa mga medical frontliners na binubuwis at ang iba nga nagbuwis na ng buhay nila para labanan ang Covid19.