Saturday, March 23, 2019

Wala Ng Tayo

Akala ko naman kaya ko
Pigilan ang oras at mangako
Pero lahat ngayon napako
Sa paghabol napunta sa kabilang dako
Kasalanan ko, iyong inako

Sa lamig ng hangin
Parang mahuhulog sa bangin
Along 'di ko alam saan ako dadalin
Kalangitang sumasalamin
Sa maling desisyon ako rin ang salarin

Sana iningatan kita
'Di ko kase talaga makita
Para kaseng iba ka sinta
'Di ko maisplika, parang musika
Paulit-ulit parang isang replika.

Paano ko pa ba maibabalik?
Oras na nawala sa isang pitik
'Di ko na alam ang susunod na titik
Siksik na siksik walang halong plastik
Tangi ko lang hiling ang iyong halik

Pero huli na ang lahat
Alam kong 'di ako karapatdapat
Sa pagmamahal mong walang katapat
Lapat na lapat, 'di ako ang nararapat
Isa, dalawa, tatlo, apat sana naging tapat

Sa aking paglayo agad kang tumayo
Makinig ka na sa kanilang payo
Ang puso mo muling mapapasa'yo
'Di ko na 'yan madadala sa kabilang ibayo
Paaalam na, wala ng tayo