Tuesday, April 23, 2019

Pusong Naligaw

'Di kita malimutan
Kahit dati ako'y iyong sinimangutan
Sa taglay mong ganda
Bigla tuloy naging handa
Ang puso kong naligaw
Ikaw lamang ang nakaagaw

Mundo ko'y bigla nabuhay
Mga mata ko'y muling pumungay
Sa isa mo lang ngiti
Pati langit iyong napapangiti
Para tuloy akong nabunutan
Ng tinik sa puso kong nasugatan

Alam ko 'di ko na kaya
Ang sa iba ay muling sumaya
Ang pusong nilaan ko sa kanya
Sarili ko lang pala aking dinaya
Dahil sa iyo lang ako liligaya
Kaya pala natuto akong magparaya

Ngayon malinaw na sa akin
Bakit kase sa iba pa ko tumingin?
Salamat at 'di ka bumitiw
Parang 'yung binigay mong sisiw
Nakaaliw, napapaindak sa bawat saliw
Ng musika kaya ako sa iyo'y nabaliw

May mga bagay na sadyang tinadhana
Mahirap ipaliwanag tsaka na nga
Ang mahalaga 'yung 'tayo' na
Akin ka at ako'y sa'yo na
Sa wakas natapos na
Ito na ang simula game na