Sunday, October 27, 2019

Patulong

'Di ka ba napapagod?
Lahat sila kumakayod
Pero ikaw nakatanghod
Kahit panay ang iyong sugod
Sa simbahan lagi kang nakaluhod
Pero hanggang ngayon ika'y nakasahod

May nangyari ba?
Meron bang naiba?
Kahit gusto mong may maisalba
Wala tuloy pa rin iyong pagbaba
Bawat oras lagi kang kakaba-kaba
Kahit lagi ka namang sumasamba

Pahingi naman ng tulong
Ganyan, lagi mong dinadaan sa bulong
Lahat gagawin mo para lang may tumulong
Sa inaasam mong pagbabago na urong-sulong
Kahit alam mo titigil din ang gulong
Ng buhay mong sobrang pagulong-gulong

May buhay din sila
'Di ikaw ang dapat mauna sa pila
Huwag umasa lagi sa himala
Pigilan ang isipan sa paggala
Sa mga alam mong wala ka naman mapapala
Sabi nga, si Maria lang ang bukod na pinagpala

'Di ka ba napapagod?
Pwes ako pagod na
Sa bawat pag-aalay nila nakakahiya na
Sila naman, ako na lang lagi ang nauuna
Kapuna-puna dapat maiba na
Tulong nila sapat na sapat na