Wednesday, February 1, 2017

Wala Na

Kamusta ka na?
'Di ko alam sinong may pakana
Wala talagang nag-akala
Sa ganitong paraan ka pa mawawala

Sana pinakinggan kita
Ako lang ang lagi mong nakikita
Sa'yong mga mata lagi ako ang bida
Bakit nga ba sa'yo ay naging kontrabida

'Di ko pinansin mga sinasabi mo
Alam ko kaseng ako lang mahal mo
Sana dati mas naiparamdam ko
Pagmamahal ko na 'di mo sinuko

Bakit ngayon kung kailan wala ka na
Pilit kong ibinabalik na sana...
Naramdam mo lahat ng ito dati pa
Pasensiya na ako na ang may sala Pa

Masakit isipin
Pero mas mahirap tanggapin
Patawad na kahit kailan ay 'di ko na maririnig
Kausapin mo ko handa na kong makinig