Saturday, September 4, 2010

Huling Halakhak

Ilang taon na akong nakakulong

Sa bisyong nakakalulong

Wala naman gustong tumulong

Para ako’y bigyan ng silong

Sana’y pakinggan aking bulong


Ramdam ko ang pag-iisa

Bakit wala man lang nakikiisa?

Kahit man lang paisa-isa

Tuloy laging nababalisa

Nasa isang sulok lang at nag-iisa


‘Di ko akalaing aabot sa ganito

Litong-lito kakahanap sa pinto

‘Di naman ako humihinto

At kahit kailan ay ‘di hihinto

Talaga bang puso mo ay ginto?


Masakit man pero dapat tanggapin

Ang problema kong parang sapin-sapin

Wala akong sinisisi bakit naging alipin

Sa pag-ibig mong ayoko ng isipin

Sige na, sumasakit na aking ngipin


Sigarilyo, droga at alak

Alam mong ‘di ‘yan ang aking nilagak

Pagmamahal ko’y wagas, ayan ang bulaklak

Patunay kung gaano ako kagalak

Basta akin ang huling halakhak