Sunday, August 14, 2011

Chinitang Anghel

Pagbukas ko pa lang ng laptop

Facebook kaagad ang katapat

Kahit pinuyat pa kagabi ng alitaptap

Maski agahan ko ay otap

Masilayan ka lang siguradong I’m on the top


Ewan ko pero yang singkit mong mata

Kahit trenta na, feeling ko’y binata

Lahat gagawan ko ng panata

No to pata, yes to lata, oo ako’y isang makata

Ano gusto mo na ba ng bata?


‘Di ko naman gustong lumapit

Alam mo namang torpe at pilipit

Dilang kong marami ng inipit

Kahit pa sabi nila ako’y malupit

Sa’yo tila ako’y namimilipit


Sino ba naman kase ang di maakit?

Kahit pa masakit ‘di ako pipikit

Huwag lang lumagpas mukha mong marikit

Lalong-lalo na ang mata mong singkit

Diyos ko siya na nga, this is it!


Pero bakit ganun chinita?

Bigla tuloy akong nairita

May boyfriend ka ayan oh kitang-kita

Akala ko naman isa lang bisita

Siya pala una sa lista, gusto ko na maging komunista


Ganun talaga yata ang buhay

Pero bukas ang aking bahay

Kahit ano pa rin sa’yo ay iaalay

Sa kagaya mo singkit na anghel

Promise, liars go to hell