Monday, September 28, 2020

Sana

Sana iba na lang 
Sana 'di ko isinaalang-alang 
Sana maganda ang kinahinatnan 
'Di 'yung ganito walang patutunguhan 

Masakit pero kailangan tanggapin 
Lahat sinusubukan kong sagipin 
Pangarap na gusto ko uling paliparin 
Sawang-sawa na akong paalipin 

Bakit ba kase 'di ko naisip 
Umasa lang ako sa pagtatakip 
Daan ko sana ngayon ay 'di masikip 
Marami kong oras dinaan ko sa idlip 

Sana dati inaayos ko na 
Buhay na maganda at nakaplano 
Ilang beses sanang nakasakay ng eroplano 
'Di 'yung puro tanong na papaano  

Sa dami ng binalewala ko 
Mga pangako ko lahat napako 
'Di ko pinahalagahan at inasikaso 
Pangarap kong iningatan ko sa baso 

Nasa huli man ang pagsisi 
Pipilitin ko pa ring ngumisi 
Kahit pa mangalay aking pisngi 
'Di na ko magiging bingi 

Sana maulit muli 
Bago man lang buhay ko'y isauli 
Ngayon mas magiging mapili 
Buhay na malaya at 'di nakatali

No comments: